Wednesday, October 21, 2009

Komiks Overload! A post-komikon special!

KOMIKS!


sa dami hindi ko mapicturan ng maayos.... hehehe

all the binded books...

and the indie books...


Ayun, matapos ang ilang araw pagkatapos ng komikon... syempre finals muna inintindi ko... pero hindi ko maiwasan na bumasa ng komiks pampatangal ng stress. Good luck naman kaya kung ang sagot ko sa tanong sa test ay Pugad Baboy...XD. Well one more minor test to go and I think this is the best time to share the komiks that I have read.

Therefore I declare a COMIC REVIEW WEEK!


Eto ang imbentaryo ko sa nahakot kong komiks...

  • Ang Alamat ng Panget and Many Others ni Apol Sta. Maria
  • EDSA ni Mel Casipit
  • Baboy ni Mel Casipit
  • Kapitan Tog 2 by Freely Abrigo
  • Kulas by Freely Abrigo
  • Amush by Anvil
  • Best Things in Life Kubori Kikiam comic compilation ng Point Zero
  • Go Beerkada rise of the Jologs by Lyndon Gregorio
  • Ang tindahan ni Mang Ed by Ed Padilia (kasama sa prize ko... yey!)
  • Yoghi Manga by BATIS (libre siya in fairness pero sana nagbigay ako ng kahit kaunting donation... pero cute nito pramis)
  • Where Bold Stars Go To Die by Gerry Alanguilan
Ang tange ko lang hindi ako nakabili ng trese na matagal ko nang gustong bilhin... pero mayroon naman sa National bookstore di ba... yun lang walang pirma ng creators... Also from out of the shadows, Sir Julius Villanueva appeared to us LiP fans and had a little chat. And with those, it made my day...

So lets get it on with the first komik on review!

EDSA
by Randy Valiente and Mel Casipit





This comic is my favorite among the ones i bought from komikon 2009. I actually saw this one from the komikon summer fiesta but was unable to buy one. However this time I was able to get my hands on one and here is what I can say about it. Of course we know EDSA, not just the highway but also the event that happened that ousted the presidents of the country. The plot shows the same situation, poverty, corruption, power-struggle and the pursuit of hope. The protagonist is Piolo (nope, not the moviestar) which was part of the resistance. As turmoil rises among the presidency versus the opposition and other forces, Piolo also mad his move every night, which his wife doesn't know until one day. The statue of our lady of EDSA plays a special role in the plot, which surprized me. And at the end, you will encounter a very familiar scene, and what I felt was the quote "history repreats itself" lingering in my head.

Komikon Awards Winners!


Congratulations to the winners of the2nd Philippine KOMIKON Awards!
Best Graphic Novel / Anthology: Martial Law Babies by Arnold Arre
Best Comic Series: Cast by Jamie Bautista, Nautilus
Best Comic Magazine: Mangaholix by Groundbreakers, Inc.
Best Comic Strip Compilation: Pugad baboy by Pol Medina Jr.
Best Webcomic: Kubori Strips for the Soul by Michael David (www.kuborikikiam.com)
Best Cover: Cast issue 11 by Arnold Arre
Best Comic Creator/s: Arnold Arre
Best Cartoonist: Hazel Manzano, Callwork
Best Komiks Character: Michiko of Ninja Girl Ko!, Mangaholix
Best Comic Scene: Ces’ Poem from Will, Cast issue 10 by Jamie Bautista & Arnold Arre
Grassroot Award:
1st place: Life as Viciously Impossible by Daphne Martinez (Lambchild)
2nd place: Nurse Macho Origins by Mangaholix
3rd place: Kalayaan by Gio Paredes, GMP Comics
Comic Aid Award: Elbert Or and Japan Foundation Manila

Monday, October 19, 2009

Congrats Krisis Komix!

Krisis Komix presents Family is Funny!




note: pasesnsya na po sa komiks kasi isang illustration board po siya ay mahirap i-scan at isa pa hindi ko napicturan ng matino matapos gawin... pero ayusin ko ito asap.


Nanalo ang krisis komix sa Philippine International Comics Convention and Animation Festival o PICCA! Sa kakatapos lang na Komikon 2009. Pasalamat tayo sa pamilya ni Becky na siyang nagharid ng saya sa strips. Medyo malaki at hindi ko na scan yung komiks pero ipost ko ang ilan sa mga pictures nito. Sa katunayan, consolation prize ang nakuha natin, pero malaking bagay na rin yun dahil ito ay Larry Alcala Award (ang una!). Kahit bago pa lang ang krisis komix, masaya kami sa parangal na ito. Humanga rin ako sa iba din nanalo gayun din sa mga nanalo sa caricatures... Kaya masaya ang komikon para sa akin ngayon, isa pa ay nakatangap at nakabili ako ng maraming komiks. Isa pa, napagiisipan... teka gumagawa na ako ng isang indie na komiks na sana matapos ko for the next komikon...
Since sembreak na rin ay may oras na ako sa pagtuon sa komiks, mas marami mas masaya! Dalasan niyo na rin ang pagdalaw sa dami ng updates! (asaness!)

So anong bago? abangan na lang... (talagang may suspense!)
for now let's celebrate! yipee!!!

Sunday, October 18, 2009

Isang mensahe mula kay DYOSABELLE...

KOMIKON NA! ulit!


OMG!

After some months, Komikon na muli... aba parang pasko na ilang araw na lang. Habang ginagawa ko ito at saktong linggo na ng October 18, so meaning KOMIKON 2009. This time nasa SM Megamall na ito, which is actually the 1st time... Ang nakakabadtrip lang kasabay ito ng FNYO day ko sa isang org ko at sa Otakukingdom sa Enchanted Kingdom.
So what to choose... syempre KOMIKON! Isang reason din dahil pupunta ako ay dahil may entry ako sa PICCA fest (at sana manalo ako). Bago din akong natulog gumawa din ako ng mga strips, medyo malangya ako kasi nga FINALS na namin... haay buhay nga naman... oh well...
I'M SO EXCITED AND I JUST CAN'T HIDE IT... I KNOW I KNOW I KNOW YOU WANT TO! WANT TO!

here some reasons why you need to go to komikon:
  • ELMER COLLECTED EDITION by Gerry Alanguilan
  • ELMER HARDCOVER SLIPCASE
  • WHERE BOLD STARS GO TO DIE Written by Gerry Alanguilan, Illustrated by Arlanzandro C. EsmeƱa
  • UNDERPASS featuring Sim by Gerry Alanguilan, Judas Kiss by David Hontiveros, Budjette Tan and Oliver Pulumbarit,
    Katumbas by David Hontiveros and Ian Sta. Maria, The Clinic by Budjette Tan and Ka-jo Baldisimo.
  • THE FIRST ONE HUNDRED YEARS OF PHILIPPINE KOMIKS and CARTOONS by John A. Lent
    Published by Yonzon Associates
  • Francisco V. Coching’s EL INDIO
  • KOMIKERO COMICS #3 Created and Published by the Komikero Artists Group
  • TRESE 3 Mass Murders by Budjette Tan and Ka-jo Baldisimo
  • Manix Abrera’s “12″
  • Lyndon Gregorio’s “Go Beerkada Rise of the Jhologs”
  • Bayan Knights issue 3
  • SKYWORLD: TESTAMENT
    by Mervin Ignacio and Ian Sta. Maria
    (guest starring Trese & The Kambal)

So pupunta ka ba? Sana naman, kitakits na lang tayo dun... txt na lang kayo ha!
eto po ang schedule...

October 18, Sunday
Entrance: P80.00(free entrance for kids 4 feet below)

10:00 AM Start program: Audio / Video play

11:00 AM Sponsor Time: CSB

12:00 PM Audio / Video play

12:30 PM Band: Bandang Shirley

1:00 PM Sponsor Time: Glasshouse Graphics

1:30 PM Awarding: Komiks Character of the Year
Awarding: Best Comic Scene
Awarding: Best Webcomic
Awarding: Grassroot Award
*Auction for a cause

2:00 PM Sponsor Time: Vibal Foundation (book launch)

2:30 PM Guest Q&A: Dencoy Miel & Edd Aragon

3:00 PM Band: Giniling Festival

3:30 PM Guest Q&A: John Lent

4:00 PM Sponsor Time: FHM / Summit Media

4:30 PM PICCA Announcements of contest winners

5:30 PM Awarding: Comics Aid Award
Awarding: Best Cover
Awarding: Best Cartoonist
Awarding: Comic Creator/s
*Auction for a cause

6:00 PM Guest Q&A: Budjette Tan & Kajo

6:30 PM Sponsor Time:Jack TV

7:00 PM Announcement of KOMIKON contest winners
*Auction for a cause
Awarding: Best Comic Strip Compilation
Awarding: Best Comic Magazine
Awarding: Best Comic Series
Awarding: Best Graphic Novel / Anthology

8:00 PM Band: Flush and the Toilettes

8:30 PM Audio / Video play

9:00 PM START EGRESS

Registration for on the spot comic strip making contest: 10am – 1:00
On the spot comic strip making contest: 1:30 – 2:30pm


Monday, October 5, 2009

Yu Jin and the Bad Hair fan...

Go Jun Pyo! - Jan Di

Kahit paano hindi pa rin naalis sa pinoy ang pagkahumaling sa mga Korean drama and actors. Kaya siguro natutuwa tayo kahit sa mga simpleng Koreans na andito sa bansa natin...

Yu Jin... Bad Hair...

sorry sorry sorry... - super junior

ingat lang Ray, baka ma-taekwondo ka niya...

I heart PGMA...


Ang saya saya noh?

Sa gitna ng maraming ayaw kay PGMA, meron din naman na hanga sa kanya, well either pure intentions or otherwise, so kaya minsan marami tayo makikitang nakakatawang eksena na may kinalaman sa kanya.

Abangan din ang mga bagong strips sa mga susunod na araw, sinisipag na ako muli, yey!

Otakuberfest! 

ćŠćŸććƒ™ćƒ«ćµć‡ć‚¹ćƒˆ!

who needs beer if you can chug all you can for your thirst for animƩ and komiks? Alam mo ito ang tunay na may TAMA, iba talaga ang may pinagsamahan, kinalakihan. At kung minor ka pa, malamang hindi ka papupuntahin upang makilaklak ng beer noh...kaya heto ang ilan sa mga events na pwede mong puntahan upang ang oktubre mo ay maging tunay na masaya (sana lang ay mas matagal o merong sem break, na inagaw ng bagyo... oh dear, pero dont't fret kapatid! Like the major animƩ, habang may buhay may pag-asa, yatta!)

KOMIKON 2009
(October 18, 2009, SM Megamall Megatrade Hall)

matapos ang Komikon Summer fiesta nung May, ito na ang main event na kung saan gaganapin din ang Komikon Awards! Syempre andito din ang mga indie komiks, mga bagong komiks compilations, meet and greet pinoy komikeros and komikeras, at malay natin may cosplay din ng local pinoy comic characters. Dito bida ang noypi komiks, komikon na!

Photobucket

ANICON 2009
(October 11, 2009, SM Megamall Megatrade Hall)

Kahit na tapos na ang Cosplay Mania '09, isa rin ito sa pinakamalaking cosplay and animƩ event sa metro! Dito parang pakiramdam mo na tumapak sa ibang mundo, pramis! Peksman! Sa katunayan, ang ANICON ang unang cosplay and animƩ event na napuntahan ko sa buhay ko na siyang nag-inspire sa aking dedikasyon sa larangan ng komiks, at animƩ (Asus!). At recomended talaga ito sa atin upang matangal ang ating blues mula sa mga masamang nagyari sa atin noong nakaraang araw. Tama na ang luha, at umpisahan na ang saya kung saan kilala tayong Pinoy!



Otakukingdom 2009
(October 18, 2009, Enchanted Kingdom, Sta. Rosa, Laguna)

Matapos ang dalawang bagyo, lindol, tsunami, 60th anniversary ng People's Republic of China, pagkapanalo ng Rio de Janeiro sa paghost ng 2016 olympics, at ilang araw ng delays, matutuloy din sa wakas OTAKUKINGDOM sa Enchanted! Originally set on September 27, napostpone ito ng napostpone hangang sa sa wakas na pagdesisyunan na ito sa October 18, na sa tingin ng marami ay mas mainam. Kaya sa mga cosplayers, pumunta na dahil libre ang entrance sa EK sa araw na ito suot ang iyong pang-cosplay! yey!

Kaya tuloy ang saya at ligaya at ipakita ang kasiyahan ng pinoy mula sa mga mahihirap na pagsubok sa buhay. Kaya nga ang buhay natin ay parang komiks, nagbibigay saya sa kapwa sa gitna ng trahedya. Ayus!