おたくベルふぇスト!
who needs beer if you can chug all you can for your thirst for animé and komiks? Alam mo ito ang tunay na may TAMA, iba talaga ang may pinagsamahan, kinalakihan. At kung minor ka pa, malamang hindi ka papupuntahin upang makilaklak ng beer noh...kaya heto ang ilan sa mga events na pwede mong puntahan upang ang oktubre mo ay maging tunay na masaya (sana lang ay mas matagal o merong sem break, na inagaw ng bagyo... oh dear, pero dont't fret kapatid! Like the major animé, habang may buhay may pag-asa, yatta!)
KOMIKON 2009
(October 18, 2009, SM Megamall Megatrade Hall)
matapos ang Komikon Summer fiesta nung May, ito na ang main event na kung saan gaganapin din ang Komikon Awards! Syempre andito din ang mga indie komiks, mga bagong komiks compilations, meet and greet pinoy komikeros and komikeras, at malay natin may cosplay din ng local pinoy comic characters. Dito bida ang noypi komiks, komikon na!
ANICON 2009
(October 11, 2009, SM Megamall Megatrade Hall)
Kahit na tapos na ang Cosplay Mania '09, isa rin ito sa pinakamalaking cosplay and animé event sa metro! Dito parang pakiramdam mo na tumapak sa ibang mundo, pramis! Peksman! Sa katunayan, ang ANICON ang unang cosplay and animé event na napuntahan ko sa buhay ko na siyang nag-inspire sa aking dedikasyon sa larangan ng komiks, at animé (Asus!). At recomended talaga ito sa atin upang matangal ang ating blues mula sa mga masamang nagyari sa atin noong nakaraang araw. Tama na ang luha, at umpisahan na ang saya kung saan kilala tayong Pinoy!
Otakukingdom 2009
(October 18, 2009, Enchanted Kingdom, Sta. Rosa, Laguna)
Matapos ang dalawang bagyo, lindol, tsunami, 60th anniversary ng People's Republic of China, pagkapanalo ng Rio de Janeiro sa paghost ng 2016 olympics, at ilang araw ng delays, matutuloy din sa wakas OTAKUKINGDOM sa Enchanted! Originally set on September 27, napostpone ito ng napostpone hangang sa sa wakas na pagdesisyunan na ito sa October 18, na sa tingin ng marami ay mas mainam. Kaya sa mga cosplayers, pumunta na dahil libre ang entrance sa EK sa araw na ito suot ang iyong pang-cosplay! yey!
Kaya tuloy ang saya at ligaya at ipakita ang kasiyahan ng pinoy mula sa mga mahihirap na pagsubok sa buhay. Kaya nga ang buhay natin ay parang komiks, nagbibigay saya sa kapwa sa gitna ng trahedya. Ayus!
No comments:
Post a Comment